·
Magagalang
-
Maipagmamalaki natin ang pagiging magalang
nating mga Pilipino. Tanda ng paggalang ang pagmamano at ang paggamit ng po,
opo, ho, at oho.
-
Gumagamit ang ating mga ninuno ng mga
katawagan Ka, Ba, Na, at Ma tulad ng Ka Pedro, Na Salin bilang paggalang sa
matatanda. Tayo din ay gumagamit na ng Aling, Mang, Tiyang, Ginang, Ginoong at
Binibini sa mga nakatatanda sa atin.
·
Mapagmahal sa Kapwa
-
Magandang kaugalian natin mga Pilipino ang
pag-aalala sa bawat isa.
-
Ibinabahagi natin ang anumang bagay na mayroon
tayo sa ating mga kapatid, kaibigan at kapitbahay.
-
Tumutulong din tayo sa mga nangangailangan
tulad ng namatayan, binaha, binagyo at iba pa.
·
Maalaga sa Bisita
-
Ang mabuting pagtanggap sa mga panauhin ay isa
pang katangi-tanging kaugaliang Pilipino. Hinahangaan ang mga Pilipino sa
kaugaliang ito.
·
Masayahin ang mga Pilipino
-
Natural sa mga Pilipino ang pagdaraos ng mga
kasayahan. Ang mga masasayang okasyon tulad ng pista, binyagan, kaarawan,
kasalan, at iba pang pagdiriwang ay bahagi na ng buhay ng mga Pilipino.
-
Bukod sa masasayang pagdiriwang na ito likas
na masayahin ang Pilipino. Ang katangiang ito ang nagpapatatag at nagbibigay ng
magagandang pananaw sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.
·
Mahilig sa Awit at Musika
-
Ang musika ay bahagi ng kulturang Pilipino.
Makulay at malawak ang musikang Pilipino. Ito ay nagbibigay ng kulay at saya sa
buhay ng mga Pilipino.